Melbourne chef nabuwag ang PR plan, lumipat ng Regional WA

Regional WA, culinary, chef

After the pandemic derailed their PR plans, Raean and Vien Racasa headed to Wagin, WA to pursue a pathway to permanent residency. Source: Raean Racasa

Nabuwag ang mga plano ni Raean at ng kanyang asawang si Vien dahil sa pandemya. Napilitan silang lumipat mula Melbourne patungong Regional WA.


Highlights
  • Nabuwag ang mga plano ni Raean at ng kanyang asawang si Vien dahil sa pandemya. Napilitan silang lumipat mula Melbourne patungong Regional WA.
  • Nahihirapang punuan ng mga employers ang mga bakanteng trabaho dahil sa border closures.
  • Clerks, receptionists, salespeople, carers, mga nars at doktor ang ilan sa mga kinakailangan sa regional areas.
Nakapagtapos bilang Commercial Cookery student sa Melbourne si Raean Racasa. Napagsikapan nyang maextend ang visa at makapag trabaho bilang chef sa tulong ng isang job ready program.

Pero muntik ng inabot ng expiration ng temporary graduate visa si Raean at kanyang asawa noong nakaraang taon. Plano sana nilang mag-apply ng Skilled Visa.

Buti na lang at isang employer ang tumawag at nagsponsor sa kanya.

Yun nga lang, mula Melbourne kailangan nilang lumipat sa Western Australia.

“Dahil sa pandemic nadelay lahat. Yung Skills assessment ko at yung pag-aapply ng English test nadelay din. So natatakot na ako dahil wala na kaming oras. May nag-offer sakin ng trabaho sa Wagin, WA at willing mag-sponsor," saad ni Raean.

Pagdating sa restaurant, nag-iisang chef sya sa kusina ng Wagin Palace Hotel. Inalok na rin ng employer ng trabaho ang kanyang misis.
Regional WA, culinary, chef
Raean and Vien had to move from Melbourne to Wagin, WA. Source: Raean Racasa
“Nag-offer sa akin yung employer ko na bigyan sya ng trabaho as kitchenhand or wait staff so ngayon katrabaho ko yung wife ko sa kusina”

Mataas ang demand ng trabaho sa mga regional area lalo na nang magkaroon ng pandemic. At dahil sarado ang borders, mas dumami ang oportunidad sa mga on-shore skilled migrants.

“Yung employer ko, wala siyang choice kundi kumuha within Australia which is mahirap kasi sobrang taas ng competition sa cities, maraming naghahanap ng trabaho lalo na sa regional. So binigay sa akin yung opportunity kaagad”
Regional WA, culinary, chef
Like the couple, many who are unable to find pathways to permanent residency in Australia's major cities are heading to regional areas. Source: Raean Racasa

Regional demand

Samantala, nanawagan ang Australian Chamber of Commerce and Industry sa Federal Government para gawing mas accessible ang skilled migration sa mga negosyo.

Ayon sa CEO na si Jenny Lambert mas lumalala ang pangangailangan sa mga empleyado habang tumatagal ang pagsasara ng borders

"We've now had over 12 months where the pipeline of skilled migration has completely closed down. So there's been very few skilled migrants being able to get into the country and they've been in a very narrow range of occupations. That has really led to some significant skill shortages in a range of locations and a range of occupations and industries so that pipeline being closed down for that length of time has made a significant impact on a whole range of businesses."
Regional WA, culinary, chef
Hospitality workers are needed in regional areas. Source: Andrea Piacquadio from Pexels
Tinatayang nasa 43,000 Australians ang nagsilipat regional areas mula sa mga capital city noong 2020 — ito ang pinaka malaking bilang mula 2001 ayon sa Bureau of Statistics.

Sa pagdami ng tao, tumataas din ang demand sa iba’t ibang serbisyo.

Sa tala nitong Mayo, nasa 66,000 vacancies ang mayroon sa Regional Areas.

Pinaka-kailangan ang mga hospitality workers, clerks, receptionist, salespeople, carers, auto engineering, construction tradespeople, doctors at nurses.

Ayon naman sa national Skills Commission, kahit maraming bakanteng trabaho, pahirapan pa rin ang mga employer sa paghahanap ng tamang tao na kwalipikado sa posisyon.

Panibagong buhay

Sa mga katulad ni Raean na sanay sa syudad, malaking adjustment din sa kanilang pamumuhay ang paglipat sa regional area.

“Last option talaga itong regional kasi talagang probisnya, hindi kami sanay. Kaya lagi pa rin kaming nasa city tuwing day-off naming which is magastos kasi lagi kami nagd-drive ng 3 hours”

Bukod sa mas tahimik na paligid, mas malaking bahay na rin ang kanilang naupahan na kasing halaga ng maliit na kwarto sa syudad.

“Mas relaxing sya at less stress sa trabaho. Yung rent ng bahay mas mura, ang rent naming sa Melbourne $315 per week, one bedroom apartment lang. Pero dito $250 a week tapos 1800 sqm yung property”
Regional WA, culinary, chef
Raean and Vien are getting used to life in Regional WA. Source: Raean Racasa
Anim na buwan na ngayon si Raean sa WA at ipinagpapasalamat ang magandang pagkakataon na nabuksan para sa kanya. Pero paalala nya sa mga nakakuha ng sponsorship sa regional area na tuparin ang ipinangakong panahon o commitment sa employer dahil tiyak na susuklian naman ito ng buong komunidad.

“Syempre gagastusan ka nila ng pera sabay after a year kung aalis ka, kawawa naman sila. Sa mga regional area hindi lang sila town, community sila. Matulungin ang mga tao at yung mga employer mababait and ipakita mo lang yung commitment mon a willing ka tumulong sa community.”

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand