Pagkatapos niyang mag-aral ng Culinary Arts at magtrabaho bilang chef sa Pilipinas at Singapore, nawala si Raean Racasa sa industriya ng tumanggap siya ng trabaho sa isang logistics company sa Singapore.
“I accepted a shipping coordinator position that I was offered. My Singaporean work visa was going to expire and I didn’t want to go back to the Philippines. I was there for five years; and all the while, I knew I wanted to be back in the kitchen," aniya.
Dahil sa kanyang kagustuhang bumalik sa kusina, nakahanap siya ng oportunidad na mag-aral sa Melbourne.
Gaya ng maraming international students, inalok siya ng isang study package na kasama na ang Certificate III in Commercial Cookery, Certificate IV in Commercial Cookery at Diploma in Hospitality. Dalawang taon tatagal ang kanyang pag-aaaral.
1. Malaki ang pagkakaiba ng matrikula ng mga iba't ibang Cookery at Culinary Arts schools.
Dahil nakapagtapos na noon ng Culinary Arts si Mr Racasa, binase niya ang pagpili ng paaralan sa matrikula.

Tuition fees for culinary schools vary greatly. Source: Raean Racasa
Ayon sa kanya, ang matrikula ng mga eskwelahan ay maaaring maghalangang 16,000 AUD hanggang 60,000 AUD.
2. Gawing detalyado ang iyong Genuine Temporary Entrant (GTE) essay.
Inamin ni Mr Racasa na dahil sa sobrang tuwa niya na lilipat sila ng Melbourne, minadali niya ang ibang requirements niya para sa visa.

Write a detailed GTE. Source: stokpic.com
"Everything happened so fast. I booked my IELTS three days before the test so I didn't have time to review. Luckily though, I only needed to score at least 5.5 for each band and an average of 6 for the whole test," saad niya.
Kahit nakuha ni Mr Racasa ang IELTS score requirements para sa kanyang kurso, hindi sapat ang nagawa niya para sa kanyang Genuine Temporay Entrant (GTE) essay. Saad niya na kinailangan niya ng GTE para sa visa at school applications niya, ngunit minadali niya ang essay niya para sa eskwelahan.
"My agent passed the GTE that I gave to the school with my visa application. "It wasn't detailed so my first visa application got rejected. My migration agent didn't tell me that he would pass that essay with my visa application. I asked him why he didn't inform me that it should be detailed. He just laughed," aniya.
Dahil na-deny ang visa application niya, kinailangan niyang mag-apply at magbayad muli. Noong pangalawang subok niya, gumawa siya ng mas detalyadong GTE kung saan sinabi niyang kasama ang kanyang asawang si Vien sa application at plano niyang magtayo ng restawran sa Pilipinas pagkatapos ng kurso niya.
Na-aprubahan ang visa application niya pagkatapos ng tatlong buwan.
3. Bahagi ng buhay sa Australya ang financial stress.
Inamin ni Mr Racasa na kinailangan nilang maging mas maingat pagdating sa paggastos ng pera sa Australya.

The cost of living in Australia can cause financial stress. Source: Raean Racasa
Noong nasa Pilipinas sila, naaasahan nila ang tulong ng kanilang mga pamilya kapag gipit sila. Sa Singapore, mayroon silang mga trabaho at mga housemates na nakakatulong sa mga gastos sa bahay. Ngunit, sa Melbourne, wala silang ibang maaasahan kundi ang bawat isa.
Naalala ni Mr Racasa ang isang pangyayari na nakapagpaiyak sa kanya. Isang umaga, gumising siya at niyaya niya ang kanyang asawang mag-almusal sa isang café.
"When we went to the café, I looked at the menu. The Eggs Benedict cost 25 dollars, so i told my wife that we should just go home and I'll just cook. We walked home and I couldn't help but cry when I thought about how our life has changed," aniya.
4. Maging bukas sa mga "menial" na trabaho.
Maaaring makakuha ka ng "menial" job habang ika'y nag-aaaral.

Be open to working "menial" jobs. Source: Pixabay
Nagtatrabaho ngayon si Mr Racasa bilang cook at kitchen hand sa isang Sri Lankan restawran, at ayon sa kanya, "I've never washed dishes when I was working in the Philippines and Singapore, but I need to earn money. I wasn't ready for how I would feel. I had a hard time with it in the beginning."
Ngunit, saad niya na kahit hindi maganda ang tingin ng ibang Pilipino sa trabaho niya, napagtanto niya na pantay-pantay ang mga trabaho sa Australya at hindi masama ang tingin ng iba sa'yo dahil lang sa trabaho mo.
5. Magkaroon ng plano bago ka pa man matapos sa iyong kurso.
Malapit ng matapos ang kurso ni Mr Racasa. Magtatapos na siya nitong Abril, ngunit nagmamadali siya ngayon na gawin ang requirements ng Job Ready Program (JRP) ng Trade Recognition Australia. Magkakaroon siya ng pathway to PR gamit ang programang ito.

Have a plan after graduation. Source: Raean Racasa
May apat na bahagi ang JRP : (1) Provisional Skills Assessment (PSA), (2) Job Ready Employment (JRE), (3) Job Ready Workplace Assessment (JRWA), and (4) Job Ready Final Assessment (JRFA).
"Within two months after finishing my course, I need to find a full-time job. It's because the JRP runs for a year and a half, and I onlyhave 18 months with the temporary graduate visa. So after my studies, I hope the job I have now will retain me as a full-time employee after," saad niya.
Saad ni Mr Racasa na kung hindi siya makuha ng full-time, sinabi sa kanya ng bago niyang agent na maaari siyang maghanap ng trabaho sa regional areas o mag-apply para sa State-nominated (subclass 190) visa.
Anuman ang makuha niyang visa pagkatapos ng kanyang kurso, saad ni Mr Racasa na alam mo kung ano ang mga plano mo.
BASAHIN DIN