Pilipinas at New Zealand, nagkasundong palawakin ang kooperasyon sa ekonomiya at maritime security

436302545_834321618720566_3786625349831627511_n.jpg

President Ferdinand R. Marcos Jr. and Prime Minister Christopher Luxon discussed enhancing cooperation in trade, investment, defense, environmental protection, maritime security, and people-to-people relations during a bilateral meeting. Credit: Presidential Communications Office

Narito ang mga pinakabagong balita mula sa Pilipinas mula sa pagbisita ni Pangulong Marcos Jr sa New Zealand, brownout sa Luzon at Visayas, heatwave sa ilang probinsiya, at iba pa.


Key Points
  • Inatasan ng dalawang lider ang kanilang foreign ministers at iba pang opisyal na maglatag ng roadmap na magsisilbing gabay sa pagtatatag ng comprehensive partnership.
  • Nababahala na si Pangulong Marcos sa kabuuang supply ng kuryente sa bansa sa gitna ng tag-init at nararanasang El Niño phenomenon.
  • Kinumpirma ng Bureau of Immigration o BI na napansin nila ang pagdami ng foreign students sa bansa.

Pilipinas at New Zealand

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Christopher Luxon na mas palawakin ang kooperasyon sa defense, security at maritime cooperation, trade and economic ties, people-to-people connections, renewable energy at climate change, at regional at global developments.

Bukod dito, binigyang diin din ng dalawang lider ang kahalagahan ng karagdagang visa facilitation sa pagitan ng dalawang bansa.

Foreign Students sa Pilipinas

Kinumpirma ng Bureau of Immigration o BI na napansin nila ang pagdami ng foreign students sa bansa.

Kasunod ito ng napansing pagdami umano ng mga Chinese na nag-enroll sa mga unibersidad sa Cagayan Valley sa Hilagang Luzon,

Paliwanag ni Dana Sandoval, public information officer ng BI, nagsimula ito matapos ang COVID-19 pandemic.

Giit ng ahensya, mga lehitimong estudyante ang mga Chinese na nag-aaral sa Cagayan, batay sa kanilang mga endorsement mula sa mga paaralan at sa Commission on Higher Education o CHED.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pilipinas at New Zealand, nagkasundong palawakin ang kooperasyon sa ekonomiya at maritime security | SBS Filipino