Sa Trending Ngayon sa SBS Filipino, Pilipinas inihayag na host para sa FIFA Futsal Women's World Cup 2025, American-Filipina singer-songwriter Olivia Rodrigo abala sa kanyang mga sold-out concert sa Manila, Melbourne at Sydney; at modelo at aktor na si Dom Corilla nasungkit ang korona ng Mister Global 2024 sa unang pagkakataon para sa Pilipinas.
Key Points
- Inanunsyo ni FIFA chair Gianni Infantino na Pilipinas ang magiging host ng Futsal Women's World Cup 2025.
- American-Filipina singer na si Olivia Rodrigo ginawa ang kanyang GUTS tour sa iba't ibang bansa sa Asya at Australia, kabilang ang mga sold-out na konsiyerto sa Manila, Melbourne at Sydney.
- Pambato ng Pilipinas na si Dom Corilla nanalo bilang Mister Global 2024, naging kauna-unahang titleholder mula sa bansa.
Share




