Sa bawat palo at bawat rally, hindi lang puntos at panalo ang pinaglalaban, kundi pagkakaibigan, koneksyon, at pagkakaisa. Ito ang puso ng ginanap na Vintage Pickleball na pinangunahan ng isang grupo ng mga Filipino senior sa kanlurang Sydney.
Key Points
- Pinagsasama ng pickleball ang mga elemento ng tennis, badminton, at table tennis. Madali itong matutunan, masayang laruin, at maaaring salihan ng iba’t ibang edad at antas ng kakayahan.
- Bilang isang mabilis na sumisikat na social sport, magandang paraan ito upang manatiling aktibo habang pinapahusay ang koordinasyon, balanse, agility, at cardiovascular fitness anoman ang iyong edad.
- Maraming Australian kabilang ang mga Pilipino sa iba't ibang panig ng Australia ang naglalaro at sumusubok ng pickleball.
- Ginanap kamakailan ang unang Vintage Pickleball Tournament na pinangunahan ng mga Pilipinong bahagi ng Seniors Pickleball Community sa tulong ng Philippine Australian Sports and Culture Inc.
Ang Vintage Pickleball Tournament ay norganisa ng Seniors Pickleball Community sa Western Sydney at Philippine Australian Sports and Culture Inc.. Layunin nito ang masiglang selebrasyon ng kalusugan, pagkakaibigan, saya, at Filipino community spirit.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





