Pilipinas naghahanda sa pagpasok ng bagyong Mawar

office of civil defense.jpg

NDRRMC Chair & National Defense OIC Senior Usec Carlito Galvez Jr is briefed by Civil Defense Administrator Usec Ariel F Nepomuceno & Civil Defense Deputy Administrator for Operations Asec Raffy Alejandro IV on the track of TY Mawar & the possible effects of the cyclone in the country. Credit: Office of Civil Defense - Philippines

Puspusan ang paghahanda ng pamahalaan para sa epekto ng malakas na bagyong may international name na Mawar.


Key Points
  • Ang bagyo ay umabot na sa katergoryang super typhoon habang nasa labas pa lamang ng Philippine Area of Responsibility.
  • Nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment ang Office of the Civil Defense para alamin ang lawak ng panganib na dala ng bagyo.
  • Mayroon nang rescue teams na naka-stand by sa iba’t ibang lugar sa bansa, habang patuloy ang pre-positioning ng relief goods.
Sa ibang balita, Kasunod ng sunog sa isandaang taong-Manila Central Post Office o MCPO na kabilang sa mga historical landmark ng Pilipinas.. Sinabi ni Postmaster General Luis Carlos na tinututukan nila ang agarang pagbabalik ng kanilang responsibilidad sa publiko.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa basement ng gusali nuong linggo ng hatinggabi at na-kontrol makalipas ang pitong oras. Idineklara itong “fire out” makalipas ang tatlumpung oras.


Samantala, nasawi ang lahat ng sakay ng Chinese fishing vessel na lumubog sa Indian Ocean noong nakaraang linggo, kabilang ang limang Pilipinong tripulante.


Sa balitang EDCA, Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na tuluy-tuloy ang pagtatayo ng mga pasilidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa siyam na EDCA sites sa buong bansa.

Limang proyekto na ang natapos sa EDCA at siyam ang kasalukuyang binubuo pa, gaya ng ammunition storage facilities at runway sa lalawigan ng Palawan.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand