Nagsimula ang JMJ Disability Services sa kagustuhan ng founder nito na si Maria Gumban na tulungang magkaroon ng masaya at maayos na pamumuhay ang mga taong may kapansanan.
Hango sa pangalan ng Holy family na Jesus, Mary and Joseph ang JMJ na para sa kanila ay ehemplo ng pagmamahal sa kapwa.
Isa si Earvin Alinsug sa 75 empleyado dito na karamihan ay Pinoy. Sya ang tumatayong Training and Development Officer ng organisasyon.

Source: JMJ Disability Services
" I tried to internalize yung capacity ko sa trabaho na sana makatrabaho ako ng isang role na hindi lang about corporate success at hindi lang about my skill kundi kung paano ko magagamit ang skills ko to make a difference. And then I had the opportunity to work as a mentor and that’s the beginning of my journey in mental health"
Hindi madali ang trabaho ng mga disability support workers. Pero para kay Earvin, nabibigyan nito ng mas malalim na kahulugan ang kanyang buhay.
Mula sa National Disability Insurance Scheme ng pamahalaan ang pondo ng kanilang samahan. Karamihan sa mga pasyente nila ay mula sa Aboriginal community.

Source: JMJ Disability Services
"Ang kagandahan dito sa NT maraming community groups na tumutulong sa mga taong nangangailangan ng access sa NDIS. Around 75% are aboriginal people accessing NDIS."
Sa trabahong ito, maraming natutunan ang kanilang grupo bukod sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Naging malaking bahagi na ng kanilang buhay ang pagtataguyod sa karapatan ng may mga kapansanan.
At higit sa itinakdang trabaho ang kanilang ginagawa paa mapasaya ang bawat pasyente na kanilang tinutulungan.
"Yes they have disability and they act differently from other people but they are human ang they have souls. They too deserve to access the places we access"
Sa tala ng Australian Institute of Health and Welfare, 38% sa populasyon ng mga Aboriginal people ang may kapansanan.

Source: JMJ Disability Services
Sa pag-aaral naman ng ANZ Mental Health noong 2018, nadiskubre na doble ang dami ng mga aboriginal people na nagkakaroon ng disability at mental illness kaysa ibang Australian.
Paliwanang ni Earvin, basa sa kanilang mga pasyente, karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng mental health problems at depression sa komunidad ng mga katutubo ang diskriminasyon, pagluluksa, at kawalan ng oportunindad sa pamayanan.
Malaki rin ang epekto ng "Stolen Generation" o ang sapilitang pagwawalay ng mga bata sa kanilang magulang.
Ang malawak at tamang impormasyon sa komunidad ay may malaking tulong para malaman ng mga tao ang kalagayan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander People sa Australia.

Source: JMJ Disability Services
Mahalaga rin na matutukan ang kanilang kalusugan.
Maaring matagal pa bago nila makamit ang pantay na pagtrato mula sa ibang tao pero ang mga care workers na tulad nina Earvin ay di sumusuko para mabigyan sila ng maayos na buhay sa loob ng komunidad.
Para sa grupo ng JMJ, masarap sa pakiramdam ang malaman na may nababago silang buhay sa tulong ng pang-unawa, kalinga at pagmamahal.



