Nakausap natin ang apat na international students Ethel Villafranca, Lem Lopez, Joey Espino at Mina Akram ukol sa kanilang mga naging karanasan sa paghanap ng trabaho habang nag-aaral sa Australya. Ibinahagi nila ang mga naramdaman sa tuwing 'di matanggap sa trabaho o tanggihan ang kanilang aplikasyon at kung paano nakatulong ang determinasyon at networking sa paghanap ng trabaho.
Ibinahagi nila ang mga pamamaraan sa pagsagot sa mga selection criteria at kung paano sagutin ang mga katanungan at maghanda para sa interbyu. Ibinahagi din nila ang kanilang natutunan sa paghahanap ng trabaho at sa mga naging trabaho na lahat ng trabaho, ano man ito’y mahalaga.
Binigyan din nila ng diin ang kahalagahan na maging maalam sa ating karapatan sa lugar trabaho, minimum na sahod at kung saan matatagpuan ang mga impormasyong ito.






