Nahaharap ngayon ang Australia sa mga epekto ng isang terror attack, mga alitan sa iba't ibang bansa, pagtaas ng Islamophobia at antisemitism, at krisis sa mataas na gastusin sa pamumuhay.
Ayon sa ulat ng Scanlon Foundation na Mapping Social Cohesion, bumaba ang pakiramdam ng pagiging kabilang ng mga tao mula 64 porsiyento noong unang bahagi ng 2020 hanggang 46 porsiyento noong 2025.
Sa isang espesyal na forum ng SBS, sinabi ng mga panauhin kay host Janice Petersen na maraming dahilan kung bakit nahihirapan ang pagkakaisa ng lipunan.
Sinabi ng co-chair ng Reconciliation Australia na si Kirstie Parker: "I feel there’s sense of permission having been given to people to be terrible."
Ikinuwento ni Parker ang masasamang komento sa social media na naranasan niya habang nagtatrabaho sa Yes campaign para sa The Voice campaign noong 2023.
Ayon naman sa CEO ng Cheek Media Co., Hannah Ferguson, malaking salik ang social media sa lumalalim na pagkakahati ng lipunan.
Social media is a binary place. It celebrates silos, it creates echo chambers.Hannah Ferguson
Samantala, sinabi ni Adam Creighton, Chief Economist ng Institute of Public Affairs, na maraming tao ang sinisisi ang imigrasyon sa pagtaas ng gastusin sa pamumuhay at sa krisis sa pabahay.
"No wonder people are angry," aniya.
Sinabi naman ni Race Discrimination Commissioner Giridharan Savaraman na ang hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiya ay madalas na nagiging dahilan ng racism.
"It's much easier to blame communities or individuals, rather than actually do the hard work of systemic change," dagdag niya.
Sa episode na ito ng SBS Examines, tinatalakay natin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaisa ng lipunan sa Australia.
Stream free On Demand
The Social Schism
program • News And Current Affairs
program • News And Current Affairs
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





