Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

SBS Examines: The Social Schism: Paano tayo makakausad bilang mas nagkakaisang bansa?

SOCIAL SCHISM_08.jpg

Janice Petersen hosts The Social Schism, an SBS special forum

Pinagsama ng SBS Examines at SBS Insight ang mga kilalang lider at tinig ng komunidad upang talakayin ang kalagayan ng pagkakaisa sa lipunan sa Australia. Ibinahagi nila ang kanilang mga ideya kung paano natin maibabalik ang tiwala at koneksyon.


Kahit na bumaba ang pakiramdam ng pagiging kabilang mula 64% noong unang bahagi ng 2020 hanggang 46% noong 2025, may pag-asa pa rin sa ating mga komunidad.

Ayon sa kamakailang Mapping Social Cohesion report ng Scanlon Foundation, 82% ng mga matatanda ang nagsabing handang tumulong ang mga tao sa kanilang lugar sa kanilang mga kapitbahay — antas na nanatiling mataas sa nakaraang 15 taon — at 80% ang nagsabing maayos ang samahan ng mga kapitbahay na may iba’t ibang nasyonalidad o etnikong pinagmulan.

Patunay nito si Om Dhungel, isang community leader sa Western Sydney, na may mahalagang papel sa kanyang magkakaibang komunidad sa Blacktown. Sinabi niya ito kay Janice Petersen, host ng The Social Schism — isang kolaborasyon ng SBS Examines at SBS Insight.

"We need to look at what’s common, and then we can always build from that common ground. We bring our diversity and differences on top."

Mula sa Pakistan noong 2012, naniniwala ang manunulat at komedyanteng si Sami Shah na kailangan nating matutong maging mas komportable sa mga taong may ibang opinyon.

I come from a society where everyone in your family had different points of view and different beliefs, some quite extreme. And you just had dinner together anyway.
Sami Shah

Sang-ayon si Hana Assafiri, Muslim community leader, na kailangan ng mas maraming plataporma para sa mahihirap na pag-uusap.

"I think if you find yourself uncomfortable, maybe sit with that discomfort for an extra minute ... turn assumptions into open curiosity," saad niya.

"Put your phone down... We’re all on this very divisive, toxic medium."

Natuklasan sa pananaliksik ng University of Canberra na ang madalas na paggamit ng social media ay kaugnay ng mas matitinding o polarised na pananaw.

Nais ni Hannah Ferguson, CEO ng Cheek Media Co., na mas kumilos ang gobyerno para alisin ang extremist at mga poot na nilalaman sa mga online platform.

"We need to consider how we hold our government to account, and how they can regulate platforms to actually prevent us from engaging with extreme material that is fundamentally breaking our social cohesion," dagdag niya.

Sa episode na ito ng SBS Examines, tinatalakay natin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaisa ng lipunan sa Australia.

Stream free On Demand

Thumbnail of The Social Schism

The Social Schism

program • 
News And Current Affairs • 
2026
program • 
News And Current Affairs • 
2026

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now