Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

SBS Examines: AI na gumagawa ng mga pekeng balita tungkol sa Iran, nalilinlang ang mga tao, ayon sa eksperto

Copy of 01 ALC AUDIO YT 16x9 THUMBNAIL.png

Fake videos and images of the war in the Middle East have been proliferating rapidly online. Source: SBS

Habang nagpapatuloy ang digmaan sa Iran at sa ibang lugar sa Middle East, dumarami ang mga totoo at pekeng videos sa social media tungkol dito kung saan nagiging mas mahirap tukuyin kung alin ang totoo at alin ang gawa ng AI.


Halos nalinlang si SBS Persian journalist Niv Sadrolodabaee ng isang pekeng video na nagpapakita ng mga bilanggo na pinapasok sa bilangguan ng Evin sa Tehran.

Akma ang video sa kwento na ginagawa ni Niv, na sumusunod sa mga ulat mula sa sources na inaabuso ang political prisoners sa Iran.

Dahil sa mga internet blackout sa bansa, mahirap makakuha ng impormasyon mula sa lugar mismo — kaya ang video ay ang mismong kailangan niya.

Ipinapakita nito ang pila ng mga bilanggo na bumababa sa truck na napapalibutan ng mga guwardiya.

"It seemed like somebody had filmed it with their phone, which is a pretty common thing in Iran," sinabi niya sa SBS Examines.

"People usually film protests with their phone, and Western media covers those videos."

Ngunit bago niya na-publish ang kwento, napansin ni Niv na may bagay na hindi tama sa video.

"When they zoom in, you see someone disappearing from the video, and then you see someone walking in a very unusual way."

Kinumpirma ng isang eksperto ang alinlangan ni Niv tungkol sa pagiging tunay ng video.

It was a massive reality check for me.
Niv Sadrolodabaee

Sinasabing kuha ang video malapit sa lugar kung saan lumaki si Niv.

"I knew those parts of my town, and being almost misled by a video of my own hometown was a very concerning moment for me," aniya.

Mabilis na kumakalat online ang mga pekeng larawan at video, kaya mas nagiging mahirap tukuyin kung alin ang totoo at alin ang peke.

Sa episode na ito ng SBS Examines, nakapanayam natin ang mga eksperto tungkol sa papel ng artificial intelligence sa pag-uulat ng digmaan sa Middle East, at kung paano matutukoy ang pekeng nilalaman.

Ang episode na ito ay isang kolaborasyon kasama ang SBS Persian.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now