Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

PM Scott Morrison, aminadong may pagkakamali sa mga naging pagtugon sa pandemya

Prime Minister Scott Morrison at the National Press Club in Canberra, Tuesday, February 1, 2022.

Prime Minister Scott Morrison at the National Press Club in Canberra, Tuesday, February 1, 2022. Source: AAP

Sa pagharap sa National Press Club, dinipensahan ng Punong Ministro ang pamamahala nito sa COVID-19.


Humingi ng paumanhin sa mga Australian si Punong Ministro Scott Morrison sa tinawag niyang pagiging “too optimistic” o masyadong positibo ang pananaw kaugnay ng paghawak sa sitwasyon ng Coronavirus ngayong panahon ng tag-init. 

Sa naging talumpati nito sa National Press Club, inamin nitong may pagkakamali ngayong may pandemya ngunit hindi direktang sinabi ng Punong Ministro na ito ay ang pagtugon ng gobyerno sa sitwasyon.

Pakinggan ang audio: 


Highlights

  • Sinabi ni Ginoong Morrison na kung maibabalik nito ang panahon, sa simula pa lamang ay ilalagay niya ang vaccine rollout sa ilalim ng operasyong militar at isasaayos ang transisyon ng mga aged care resident sa mga ospital ng mga estado.
  • Aminado ang Punong Ministro na maikli na ang pisi nang mga botante. Natigilan naman ito sa paghingi ng paumanhin kahit na piniga pa nang N-P-C President na si Laura Tingle.
  • Ayon naman kay Queensland Health Minister Yvette D'ath, bagaman siniguro ng pederal na gobyerno na maayos ang pamamahala sa outbreak, malaki pa din ang pangamba sa kakulangan ng mga manggagawa, personal protective equipment at suplay ng rapid antigen test .


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now