Ipinanganak sa Brisbane, ang alagad ng sining at manunulat na si Athena Thebus, sa nakalipas na dalawang taon ay palipat-lipat sa pagitan ng Los Angeles, Brisbane at Sydney. Kanyang itinatangi ang kanyang pakiramdam ng pagiging bahagi ng Sydney, sa komunidad ng PIlipino, sa mga naiiba at mga alagad ng sining na mayroong iba't ibang kulay na nagsasalita ng kanyang lenggwahe. Larawan: Athena Thebus (J. Atienza)
Ini-uugnay niya ang pag-uusap na ito bilang isa sa tumutukoy sa pagiging iba, nilalabanan ang kaputian at kolonisasyon.
Ang kanyang mga gawa ay tumutugon sa kanyang mga ideya at saloobin tungkol sa mga isyung ito na parehong bayograpiko at bahagi ng mas malawak na kahulugan ng lipunan. Ang kanyang pinakahuling eksibisyon, "Athena in Thorns" sa Firstdraft sa Sydney, ay sumasalamin sa paniniwala ng pagiging babae, kakaibang buhay at kanyang pagkaka-kilanlan bilang isang non-cisgender woman.
Share




