Queensland News. Buod ng mga pinaka-huling ulat sa estado hatid ni Erwin Cabucos. Larawan: Paghuli sa masamang gamot (AAP/ Emma Clark)
Minaliit ng pamahalaang Queensland ang pagtanggi ng Queensland Nickel sa itinakdang pagpupulong para sana isalba ang pagtanggalan ng 237 na mga trabahante sa refinery nito sa Townsville; Umabot sa 27 katao ang inaresto ng mga pulis sa Southwest Queensland nang isinagawa nila ngayong weekend ang panghuling bahagi ng kanilang operasyon laban sa droga; Isang rock climber bumagsak sa mga talampas ng Mt Ngun-Ngun, sa Glass House Mountain sa Sunshine Coast kahapon; Sa unang pagkakataon ang Mt Isa Hospital sa hilaga ng estado ay tumanggap ng mga interns na tatagal ng isang taon.




