Bagama't bumaba ng limampung porsyento ang bilang ng mga nag-sisigarilyong buntis ayon sa isang review sa New South Wales, may mga buntis pa rin na hindi humihinto.
Ang pag-yoyosi ay naiugnay sa mga problema sa pagabuntis tulad ng pagkakalaglag ng bata, neonatal death, preterm-birth at mababang timbang ng sanggol.
HIGHLIGHT
- Nagsisigarilyo ang mga ina na nasa bente singko anyos pababa na nagmula sa lower socio economic background
- Isa sa sampung buntis ang nag-yoyosi sa unang dalawampung linggo ng pagbubuntis
- Kailangan ang mga bagong inisyatibo upang ma-target ang mga grupo
Makinig sa SBS Filipino 10am-11am
Sundan sa Facebook
Share





