Nakatuon sa mga umuusbong na kalakaran at mga oportunidad na nakakaapekto sa mga internasyonal na mag-aaral at sa internasyonal na sektor ng edukasyon, ang CISA National Conference 2019 ay gaganapin sa unang pagkakataon sa Perth Western Australia.
"Yung mga international students, when they come here, their Australian international education is so much more than what's on a paper, because you have the network, connections and you consistently grow every month, every year, that you are here. The whole platform changes, the whole education system grows and you have more opportunities everyday," sabi ng CISA National Vice President and Conference Convenor Ralph Teodoro.

Attendees at last year's CISA National Conference (Council of International Students Australia) Source: Council of International Students Australia
"There are change-makers making opportunities for our leaders of tomorrow."
Sa loob ng limang araw na kumperensya, "there's a strong focus on employability, for global vision, making students more career-oriented rather than just coming here to work and staying in the same field." (may malakas na pokus sa pagiging handa para sa trabaho, mga pandaigdigang pananaw, na ginagawa ang mga mag-aaral na mas nakatuon sa karera sa halip na dumating lamang sa bansa upang magtrabaho at manatili sa parehong larangan). Kabilang din sa mga tatalakayin ang pananamantala sa lugar ng trabaho, mga hamon sa mga internasyonal na mag-aaral at halaga para sa pamumuhunan kasama ng iba pang mga may kinalaman sa mga internasyonal na mag-aaral.
Sa taong 2019, mayroong 650,000 internasyonal na estudyante sa Australya.

CISA in a collaboration meeting with the highest advisory board, National Council for International Education, with Ministers, Directors (Mr Unknown Media) Source: Mr Unknown Media
Ang Council of International Student Australia, na itinatag noong 2010, ay ang pambansang kinatawan para sa mga internasyonal na mag-aaral na nag-aaral sa postgraduate, undergraduate, pribadong kolehiyo, TAFE, ELICOS at antas ng pundasyon.