Key Points
- Ang pinyapel ay ginagawang lokal na isang specialty paper mula sa itinatapong dahon ng pinya mula sa mga plantasyon ng Bukidnon.
- Sinimulan ito ng DTI - Design Center of the Philippines sa pakikipagtulungan ng ilang grupo upang makatugon sa problema ng hindi nabubulok na basurang plastic.
- Isa ito sa mga produktong nais na ipakilala ng Philippine Trade and Investment Centre sa merkado ng Australia.
Ibinahagi sa panayam ng SBS Filipino ng Special Trade Representative ng Philippine Trade and Investment Centre na si Alma Argayoso ang isa sa mga produktong ipinapakilala sa merkado ng Australia na pinyapel.
Ang pinyapel ay gawa mula sa itinatapong dahon ng pinya na ginagawang paper cup, paper bag at iba pang produkto.
Malaki anya ang ambag sa kalikasan ng produktong ito at nakakatulong sa kabuhayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Special Trade Representative Alma Argayoso, Philippine Trade and Investment Centre