Riot sa US Capitol

Trump supporters try to break through a police barrier

Trump supporters try to break through a police barrier Source: AAP

Nagmistulang battleground ang US Capitol matapos sumulong ang mga pro-Trump protesters sa Capitol hill dahil sa pagtangging tanggapin ang resulta ng Presidential elections.


Habang nasa lugar na ang pormal na pagdedeklara kay Joe Biden bilang nagwagi sa eleksyon, sumulong ang mga taga-suporta ni Trump sa US capitol na naging dahilan ng delay.

Sinira ng mga pro-Trump supporters ang mga barikada at nakipag-riot sa mga pulis.

Nakita din ang mga ito na nagmamartsa sa hall ng Capitol dala dala ang mga trump banners at Us flags.

Naglabas naman ng tweet si President Trump, kung saan umapela siya sa mga taga-protesta na maging mahinahon at respetuhin ang mga pulis.

Sinabi din ng Whitehouse na nagpadala na sila ng mga mga national guard troops at mga federal protective services upang tumulong sa insidente.

kinundena naman ng dating Australian Prime Minister na si Kevin Rudd ang karahasan sa pamamagitan ng isang tweet.

"This is a physical attack on the institutions of democracy by a far right mob. All because of extremist statements by political leaders attacking the legal results of a democratic election,echoed faithfully by a cancerous far right media. This affects us all."

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand