Ito ang pangalawang pagkakataon na napabilang si Gng Whiten sa listahan. Ngayong taon ay nabigyan siya ng parangalan na Member of the Order of Australia (AM) para sa kanyang pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan sa Queensland. At ang parangalan naman kay Ginoong Hernandez na Medal of the Order of Australia (OAM) ay para sa kanyang mahigit na dalawang dekada na serbisyo para sa mga migranteng Pilipino sa Queensland.
Nakapanayam ni Celeste Macintosh si Ginoong Hernandez. Narito at higit siyang kilalanin.




