Magiging libre raw ng kalahating taon sa council rates ang mga first home buyers sa Brisbane - kung mailalagay sa puwesto si Rod Harding sa pagka mayor ng Brisbane; Kasabay ng pagpili ng mga Queenslanders ng kanilang mga local na pinuno sa susunod na linggo, pagpasiyahan din ng mga ito ang reperendum na pahabain ang terms of service ng mga pulitiko sa Queensland; Matapos magbitiw sa tungkulin si Federal MP Teresa Gambaro, kumatawan sa upuan ng Brisbane, iniulat ng ABC Brisbane at ng Courier Mail na maaring hahalili ang natalong State Premier Campbell Newman; Tinanggihan ngayong weekend ng High Court sa Brisbane ang hiling ni Brett Cowan, ang nahatulang child molester at killer ni Daniel Morcombe, na humingi ng leave upang mag apila laban sa kanyang kaso noong 2014.



