May mga tanong sa kung paanong ang daan-daang repugi at asylum seeker na nasa rehiyonal na sentro ng detensyon sa Papua New Guinea ay ililipat ng tirahan matapos ang mga balitang isasara ang pasilidad. Larawan: Mga asylum seeker sa Manus Island detention centre sa PNG noong taong 2014 (AAP)
Ginawa ng pamahalaan ng Australia at Papua New Guinea ang pahayag ilang buwan pagkatapos magdesisyon ang Korte Suprema ng PNG, na ang kampo ay labag sa konstitusyon, at sa gitna ng panawagan ng publiko at ligal na presyur para humanap ang Australya ng nararapat at ligtas na solusyon para sa mga naka-ditene.
Share



