Hindi inalintana ni Mucktar Wesseh, isang itim na kandidato para sa pagiging konsehal ng Brisbane City Council ang racist na mga mensahe at mga pagbabantang natatanggap niya sa kanyang pagtakbo; Hinainan ng warrant of arrest si Oliver Bridgeman, na tinanggalan ng pasaporte sa umano pagtulong sa treorismo, ng Australian Federal Police dahil diumano sa pakikisangkot niya sa karahasan at mga gawaing salungat sa mga adhikain ng Australia; Bumagsak sa Cairns at Innisfail ang mga tira-tirang ulan ni Tropical Cyclone Winston at bumuhos ang 200 millimeters na kapal ng mga ulan magdamag noong Biyernes sa mga residente at mga tanimang matagal-tagal na ring naghintay ng tubig-ulan; Dagsaan sa online ang bumubili ng mga tickets para sa World Science Festival na nakatakdang idaos sa Brisbane sa Miyerkules.



