Halloween Party, maging malikhain at mag-recycle

Halloween

Sheila dressed up as a friendly witch; some of her recycled Halloween decorations. Source: Sheila Raptis

Hindi kailangang maging magastos ang inyong Halloween party. Maging malikhain lamang, mag-recycle at mahalaga na magsaya lalo na ang mga bata.


Masaya ang alaala at kabataan ni Sheila Cantero Raptis pagdating sa Halloween. Kaya naman naging layunin niya na paghandaan ito lalo na nang siya ay magkapamilya at magka-anak.

"Nag-enjoy talaga ako nu'ng kabataan ko at 'yung mga pagde-decorate  na-develop na lang 'yun lalo na when you visit places like sa America na big thing ang Halloween doon,"  lahad ng ngayo'y Pangulo ng Filipino Sports Arts and Recreational Club (FILSPARC).

 


 

Highlight 

  • Hindi kailangang gumastos ng sobra para lamang makapagsaya tuwing Halloween.
  • Maging malikhan sa inyong mga dekorasyon, mag-recycle. Sa pagkain, pwedeng homemade at simple lang.
  • Para kay Sheila Raptis, pinakamahalagang bahagi ng selebrasyon tuwing Oktubre 31 ang pagbibigay sa kapwa lalo sa mga bata.

Halloween
'Most of the time, my main decorations are made out of pumpkin, or witch of cauldron, broomsticks, or witch of legs, spiders, cobwebs.' Source: Sheila Raptis

Maging malikhain

Taon-taon iba-iba ang ginagawang dekorasyon ni Sheila sa loob at labas ng kanyang bahay. Pero hindi siya gumagastos ng malaki para gawin ito.

"Yung pag-evolve ng decorations ko parang na-appreciate ko 'yung recycled materials din para naman hindi sayang at lalo na kung low ang budget n'yo," anang ginang mula kanlurang Sydney.

Bata pa lamang si Sheila ay malikhain na ito sa kanyang mga ginagawa.

Kapag Halloween, karaniwang hindi masyadong nakakatakot ang kanyang mga ginagawang palamuti.

"Ayaw ko nang masyado mga bloody dahil sa anak ko at mga bisita ko, ginagawa ko lang siyang mild at hindi nakakatakot. 

"Most of the time, ang main decorations ko are made out of pumpkin, o kaya witch of cauldron, o kaya witch of broom. Gumamit din ako ng witch of legs, spiders, cobwebs, mga skulls."
Halloween
Sheila's homemade Halloween treats for family and friends in one of their October 31 celebrations. Source: Sheila Raptis

Mahalaga na nagsasaya ka

"Isa ito [Halloween] sa mga highlight ng panahon ng kabataan lalo na sa akin. Lumaki ako na na-enjoy ang Halloween. Kaya ngayon gusto kong ipasa rin sa mga anak ko at sa aking apo," kwento ng ina ng tatlo at ngayo's lola na rin.

Taon-taon sa nakalipas na mahigit 15 taon, tuwing Oktubre 31, nakaugalian ng na gawin mag-dekorasyon at maghanda para sa Halloween.

"Noong kabataan ko, nag-enjoy talaga ako. Marami akong na-experience na Halloween costume competitions, trick-or-treating."

Para kay Sheila, pwede ring maging malikhain sa mga pagkain na inyong inihahanda. Hindi kailangang laging mamahalin. Pwedeng magluto o mag-bake lang sa bahay.

"For example, sago't gulaman, di ba black siya, tinatawag ko siyang witches' brew pero masarap. Tapos ginagawan ko siya ng kamay na gawa sa ice tapos nilalagay ko siya sa gitna para medyo scary."

"Siguro ang aim ko is to give a surprise element sa mga bata para fun lang talaga."

Masaya din aniya siya na magbigay sa mga bata na naglilibot sa kanilang lugar para mag-trick-or-treat.

Ang Halloween (ang "hallow" ay salitang Old English para sa salitang santo)  o All Hallows' Eve (Hallowe'en) ay kasama sa tatlong araw na sinusunod ng mga Kristiyano sa buong mundo para markaahan ang Triduum of All Hallows mula pa ika-8 siglo AD.

Ang All Hallows' Eve, All Saints' Day (All Hallows') at All Soul's Day na inaalala tuwing Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Ito ay panahon para alalahanin ang mga patay, kabilang ang mga martir at mga santo.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand