Nakikipag-laban ang mga pwersa ng gobyerno ng Syria na suportado naman ng mga eroplano ng Rusya sa mga sundalo ng oposisyon sa dating mahalagang syudad industriyal na Aleppo.
Sinabi ng mga opisyal na Turkish, aabot sa 77,000 tao ang nagka-kampo sa mga toldang itinayo nila sa kahabaan ng kanilang baybayin.
Ayon sa Punong Ministro ng Turkey, hahayaan lamang nilang makapasok ang mga ito kung talagang kina-kailangan.



