HIGHLIGHTS
- Mahigit isang libong Australyano ang namumuhay ng may Epidermolysis Bullosa at may mahigit kalahating milyon naman sa buong mundo
- Patuloy ang mga clinical trial sa Europe at North America kabilang ang Stanford University sa California upang mabigyang lunas ang sintomas ng sakit
- Bumuo ang University of South Australia ng isang bagong antibody therapy
Ayon kay Lise Angus, general manager ng not-for-profit advocacy group na DEBRA, mahigit isang libong Australyano ang namumuhay ng may Epidermolysis Bullosa at may mahigit kalahating milyon naman sa buong mundo.
"Everybody is working towards it globally, but the cure is a way off so in the meantime it's about ensuring that quality of life is really the best it can be for those living with it. We have three main services that we offer, so we have our in hospital nurses, we have in-home nurses to help with dressings so that parents can just be parents and love their children and not inflict pain."