Highlights
- Polisiya para sa mga turistang papasok sa Cebu province, luluwagan na ayon sa provincial tourism task force
- Mga kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw sa Western at eEstern Visayas, nananatiling mababa base sa tala ng DOH
- Bakwit school ng mga lumad sa Cebu City, sinalakay ng mga pulis
Sa inisyal na impormasyong inilabas ng Tourism Task Force, ang mga bisita na mananatili sa mga hotels at resorts ay kailangan lamang magpakita ng kanilang mga room reservations upang makapasok.
Para naman sa mga nais pumunta sa iba’t ibang tourist attractions, dapat ay magrehistro online sa booking portal na discover.cebu.gov.ph bago ang kanilang pagbisita.
Pero, wala pang eksaktong petsa kung kailan ito ipatutupad. Ayon kay Governor Gwendolyn Garcia, ang re-opening ng probinsya para sa mga turista ay naglalayong palaguin muli ang tourism industry at provincial economy ng Cebu.
Sa kanilang pagpupulong noong ika-11 ng Pebrero, binigyang diin ng Gobernadora ang bagong guidelines ng Inter Agency Task Force kung saan naka-saad na papayagan na ang interzonal movement ng persons not authorized outside of residences sa mga area na nasa general community quarantine at moderate GCQ status.
Ngayong linggo ay nakatakda muling magpulong ang Provincial Tourism Task Force upang ma-finalize ang mga guidelines para sa mga turista.
Maalalang naki-usap ang Hotel, Resort and Restaurant Association of Cebu sa lokal na gobyerno na tulungan silang makapag-engganyo ng turista sa Cebu.




