Hinihikayat ang mga Australyano na pag-isipang mabuti ang mga produkto na kanilang binibili at iwasan ang mga pakete na may gamit na plastik. 'Rethink, Reduce and Reuse' ang dapat isa-alang alang sa bawat biniling mga produkto para sa ikabubuti ng ating kapaligiran, ani Brianne West ng Ethique. Sa pinaka-huling pagsasaliksik napag-alaman na 11% ng lahat na plastik lamang ang na-recyle.
Share





