Key Points
- Simula sa ika-3 ng Setyembre, ipapatupad ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang binago o nirebisa g protocol para sa mga Pilipinong babyahe patungo sa ibang bansa upang labanan ang "malubhang banta ng human trafficking."
- Apat na pangunahin dokumento gaya ng pasaporte na may bisa na hindi bababa sa anim na buwan mula sa petsa ng pag-alis, boarding pass, tamang visa, kung kinakailangan at kumpirmadong tiket ng pagbalik o roundtrip.
- Inilatag din ng ahensya ang iba’t ibang karagdagan o suportang dokumento na kailangan para sa mga turista depende kung may sponsor o hindi, may asawang foreign national, at iba pa.
- Sakaling hindi pumasa sa primary inspection, dadalhin sa secondary inspection ang byahero na tatagal ng 15 minuto ngunit depende sa sitwasyon.