Ang sitwasyon ng kapayapaan sa Butig, Lanao de Sur ay bumalik sa normal pagkatapos ng isang linggong paglalaban ng mga militar at ng mga miyembro ng umano lokal na grupo ng terorismo; Binigo ng mga pulis ang pagtangkang pagbomba sa Isulan, Sultan Kudarat na pinaniniwalaang tatargetin ang kasalukuyang alkalde at kandidato sa pagka-gubernador ng Partido Liberal, Diosdado Pallasigu; Tinuloy ng taga-pagligtas ang search and rescue operations para sa tatlong minero na naipit sa loob ng tunnel sa Mt. Diwata sa Mongkayo, Compostela Valley; at tatlo hanggang apat na oras na papalit-palit na brownout na naka-ka-apekto sa bahagi ng Mindanao ay maaaring lumala sa mga susunod na linggo dulot ng El Niño; at Kagawaran ng Edukasyon nanawagan sa mga kabataan Mindanawon na kumuha ng inspirasyon mula sa estudyanteng imbentor mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanai (ARMM) na nakasama sa listahan ng "30 under 30 Asia".
Papapalit-palit na Brownout sa Mindanao maaring Lumala
Mindanao News. Buod ng mga pinaka-huling ulat sa rehiyon hatid ni Allen Estabillo Larawan: Isang magsasaka sinasaka ang natutuyong lupain dulot ng El Niño ((MindaNews/Geonarri Solmerano)
Share



