Ang Pilipinong visual artist na si Ryan Villamael ang napiling artist in residence sa Visual Arts Centre sa La Trobe University sa taong ito. Matapos ang apat na linggong paglalagi sa Bendigo kanyang isinalaysay sa pamamagitan ng mga inukit at ginupit na papel ang kwento ng migrasyon na kanyang nakita mula sa mga aklat, mapa at iba pang mga materyales sa iba't ibang lugar sa Bendigo.
Si Villamael ang napili para sa Ateneo de Manila Art Gallery/La Trobe University Visual Arts Centre Residency Grant.
Sa darating na taong 2017, ipagdiriwang nito ang ika-sampung taon ng pakikipag-uganayan ng Ateneo de Manila at La Trobe University at ayon kay Dr Vincent Alessi, binabalak dalhin muli ang sampung mga Pilipinong visual artist upang gunitain ang mahalagang okasyong ito .
Share




