Magbibigay ng $1,000 na ayuda ang gobyerno ng South Australia sa pamamgitan ng Residential Rental Grant Scheme.
Ayon sa ulat, ang igagawad na tulong sa pangangailangan ay para sa 10,000 na mga nangungupahan at ang budget na itinalaga ay nagkakahalaga ng sampung milyong dolyar.
Ang mga residential tenant ay karapatdapat sa gawad na ito sa ilalim ng tatlong kondisyon:
- Kung sila ay tumatanggap ng tulong sa ilalim ng programang JobKeeper o JobSeeker
- May naimpok na salapi na hindi aabot ng $5,000
- Ang nangungupahang aplikante ay nagbabayad ng renta na mas mahigit sa 30 porsyento ng kanilang sweldo o kita




