Salamat sa mga aral ng 2022; nawa'y patuloy ang maayos na kalusugan at katatagan sa 2023

'Thankful for family, sanity, career and community.'

'We are thankful for 2022': Jhune San Jose for an ongoing career in producing shows; Maria Araujo for her sanity and family; Marco Antonio Tamayo is thankful family's health; Jun Marquez for being able to celebrate and serve the community. Credit: Supplied

Sa kabilang ng mga hamon sa taong 2022, maraming ipinagpapasalamat ang mga Pilipinong ito sa kanilang buhay, pamilya at katatagan sa Australia.


Key Points
  • Puno man ng hamon ang 2022, marami ang nagpapasalamat sa kalusugan sa nagdaang taon.
  • Pamilya at kalusugan ang dalawa sa pinakamahalagang yaman na dasal ng marami para sa taong 2023.
  • Hangad din ang maayos na karera, samahan at pakikipagkapwa sa bagong taon.
Jhune San Jose and family
Jhune San Jose and family. Credit: Supplied

Jhune San Jose mula Sydney, NSW

Sa nagdaang 2022, natutunan ng producer mula Sydney na si Jhune San Jose na mahalaga na panatilihin ang pag-asa sa bawat araw na lumipat.

"You have to keep your hopes up. Even though there are challenges in our lives, I know that time will come we'll get through it."

Malaking taon ang 2022 para kay San Jose pagdating sa kanyang pag-produce ng mga show.

"Nagawa ang isa sa pinakamalaking show ko sa Sydney."

Para sa bagong taong 2023, umaasa ang producer mula Sydney na makapagsagawa ng iba pang palabas tampok ang maraming Pilipino artist.

"Bukod sa mga show, hopefully with the New Year, I'll be able to spend the next Christmas and New Year with my family in the Philippines."

Dasal din niya na tuluyan nang matapos ang COVID-19 pandemic at mawala na ang sakit at bumalik na sa normal ang lahat.

"I hope na ma-get over na natin itong pandemic na ito and I pray everyone is safe at makabangon tayong lahat mula sa mga nangyari in the past few years."
Jun Marquez, newly-elected President of the Australian Filipino Association of the Central Coast, hopes to continue to help fellow Filipinos arriving in the Central Coast.
Jun Marquez, newly elected President of the Australian Filipino Association of the Central Coast, hopes to continue to help fellow Filipinos arriving in the Central Coast. Credit: Australian Filipino Association of the Central Coast (Facebook)

Jun Marquez mula Central Coast, NSW

"Kahit andito tayo na tayo sa Australia, mahalaga pa rin para sa maraming Pilipino na ipagpatuloy ang mga nakasanayan sa pagdiriwang ng Bagong Taon at Pasko," bigay-diin ni Jun Marquez, bagong pangulo ng Australian Filipino Asssociation of the Central Coast (AFACC).

Umaasa ang bagong pangulo ng samahan ng mga Pilipino sa Central Coast na maipagpatuloy ang pagtulong sa mga bagong dumarating na kababayan sa kanilang rehiyon sa New South Wales.

"Maraming mga bagong dating na Pinoy skilled workers ngayon dito sa Central Coast. Ang ginagawa namin, we welcome them sa mga events sa asosasyon and we also solicit house items na pwede naming ibigay sa kanila para makatulong sa pagsisimula nila dito."

"Gusto namin na ma-feel at home sila dito at malaman nila na may mga sumusuporta sa kanila dito."

Dasal niya ang maayos na selebrasyon ng Bagong Taong para sa lahat.

"Mag-enjoy tayo sa tunay na kahulugan ng Pasko at Bagong Taon at kailangan maging safe din tayo sa ating mga pamamasyal."
'I'm thankful for my partner and my two girls, they kept me and my sanity in 2022'.
'I'm thankful for my partner and my two girls, they kept me and my sanity in 2022'. Credit: Supplied by Maria Araujo

Maria Araujo mula Mount Isa, Queensland

"The challenges this [2022] have actually strengthened my faith in God which I'm most thankful for. My mindset has shifted to focusing on how blessed I am," pahayag ng ina mula Mount Isa.

Sa taong 2022, naging dalawa na ang anak ni Maria Araujo. "I have two beautiful girls now and a hard-working partner and I have my family around to help me raise these kids."

"I'm also thankful that the restrictions have eased a little bit and it has allowed me to travel a little bit. My kids can see more than just the outback."

"I'm thankful also that I have a beautiful faith community around me. They have kept my sanity during the pandemic."


Nakaplano sana ang kasal ni Maria at ng kanyang kapareha noong 2020 pero hindi ito natuloy dahil sa pandemya.

Kaya nitong bagong taon, isang bagay na hinihintay ni Maria ay matutuloy na ang kanilang kasal.

"We're going to bring the family to a destination wedding in Whitehaven in Airlie Beach, Queensland, one of the most pristine beaches in Australia."

"It's not just a holiday and to legalise our relationship but also to strengthen it because we will be blessed and we're going to have God in the middle of our family."

"Now that I have my children I've realised how hard it is to maintain our relationship and to be really good parents and survive parenthood. From that moment I knew I needed God in my life to anchor and keep our family happy together."

Hangad din ng medical scientist na makapaghatid ng saya sa lahat ng tao na nakakasalamuha niya at nakapalibot sa kanya.
'I'm thankful for my family and their health.'
'I'm thankful for my family and their health.' Credit: Supplied by Marco Tamayo

Marco Antonio Tamayo mula Gold Coast, Queensland

"The biggest challenge for the past years continues to be the COVID-19 pandemic. In 2022, although the virus is still here, at least we are all able to live with it with extra precautions," ani Marco Tamayo.

Naranasan mismo ng fitness and personal trainer na magka-COVID nitong 2022.

"Thankful ako na naka-recover ako ang asawa ko na si Bubbles at tuluy-tuloy na bumabalik na sa new normal ang lahat."

Malaki rin ang pasalamat ng dating Mr Philippines World 2003 na malusog ang kanyang pamilya.

"I'm grateful that my family are healthy, especially my mum, this year got sick and I don't know what to do as I am very far from her."

Kaya ganoon na lamang ang pasalamat niya sa mga kamag-anak sa Amerika na tumulong sa pagpapagamot at paggaling ng kanyang nanay.

Sa bagong taon, hangad niya na maibalik ang pagsunod sa mga programang pangkalusugan.

"I'll do my very best personally to go back to the basics of health and fitness programs and I will definitely do it with my family."

Excited din si Marco at ang kanyang pamilya sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas nitong 2023.

"We are really looking forward to our vacation to the Philippines as it has been four years now since the last time that we went home."

"I'm also looking forward to my fitness business in the Philippines being profitable this new year."

Para naman sa mga kababayan na may mga kinakaharap na hamon sa buhay, "huwag kalimutang magdasal, hawak bisig ang ating pamilya at magtutulungan and everything will follow. Basta may pananalig lang tayo sa Panginoon," anang ama mula Queensland.
FILO PODCAST INSTRUCTIONS
How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Salamat sa mga aral ng 2022; nawa'y patuloy ang maayos na kalusugan at katatagan sa 2023 | SBS Filipino