Highlights
- Hotel quarantine programs sa Australia masusing pinagaaralan ng top health committee matapos ang magkakasunod n kaso ng Covid19 sa mga pasilidad
- Coronavirus, maaring hindi umano nagmula sa isang Chinese lab ayon sa isang World Health Organisation team sa China
- Mga grupong pabor at tutol sa anti-terrorism law sa Pilipinas, muling nagharap sa Korte Suprema para sa ikalawang oral arguments ng kontrobersyal na batas
Sasailalim sa pagsisiyasat ang mga State and territory hotel quarantine programs matapos ang mga kaso ng hawaan ng covid 19 sa mga hotel sa New South Wales, Victoria at Western Australia.
Nakapagtala ng tatlong kaso ng coronavirus ang Victoria sa loob ng tatlong araw.
Inuugnay ito sa Holiday Inn at Melbourne Airport outbreak.
Isasagawa ng mga estado ang mandatory COVID-19 tests sa ika 16 na araw o 48 hours pagkatapos ng mandatory 14day quarantine ng mga byahero. Ganun din ang mas madalas na test sa mga staff kahit sa kanilang day off.
Gagawin ng ng Australian Health Protection Principal Committee (AHPPC) ang mga bagong hakbang para palakasin ang kasalukuyang sistema.




