Inaasahang magiging sentro ng usapin sa National Cabinet Meeting ngayong araw ang limit ng international arrivals sa buong bansa.
Naghihintay ng desisyon ang mga Australian na stranded sa labas ng bansa kung papayag ang mga state at territory leaders sa plano ng Punong Ministro na taasan ang bilang ng international arrivals.
Nakahanda ang New South Wales, Western Australia and Queensland na magdagdag ng 500 tao bawat linggo.
Tinatayang nasa higit 27,000 Australians ang hindi pa makauwi.
Kabilang din sa agenda ang 2billion dollar extenstion ng COVID-19 emergency response na magpapalawig ng serbisyo ng telehealth at home delivery ng mga gamot hanggang Marso 2021



