Habang mas marami pa ring lalaki ang sumasali ng Brazilian Jiu-Jitsu, tumataas na ang bilang ng mga babaeng lumalahok sa larong ito. Isa dito ang Melburnian na si Apryl Eppinger.
Lumahok at nanalo si Apryl sa ilang mga turnamento gaya ng Sydney International Open IBJJF Championship at the Oceania Wrestling Championships. Ngayo'y bahagi na siya ng Philippine National Team na kasali sa Southeast Asian (SEA) Games.
Pagmamahal para sa laro
"[Jiu-Jitsu is] like a game of chess, but with your body. Instead of using striking or punching to win over your opponents, [you strategise]. It's an excellent mental and physical challenge."
Si Apryl, na isinilang mula sa isang half-Filipino na ina at ama mula Alemanya, ay sanay sa mga pagsubok; siya ay cyclist para sa Philippine National Team bago siya lumipat sa Jiu-Jitsu. Dahil dito, kinailangan niyang baguhin ang paggamit niya ng lakas, sa isang isport na hindi niya kilala hanggang sumali siya sa isang sesyon kasama ng isang kaibigan at fellow cyclist.

"Jiu-jitsu is like a game of chess, but with your body." Source: Apryl Eppinger
"So I contacted [my friend] and told her, I'm going to come train with you guys and give this Jiu-Jitsu thing a try," aniya, "I was hooked instantly."
At kapag na-hook si Apryl, kumakapit siya ng mahigpit. Napagpasyahan niyang ilaan ang kanyang buong sarili sa isport, at dahil sa pag-laan na ito, umalis siya sa kanyang trabaho sa Superannuation upang mag-aral ng Sports Psychology at magturo at magtrabaho sa Jiu-Jitsu gym kung saan siya nag-eensayo.

"So I contacted [my friend] and told her, I'm going to come train with you guys and give this jiu-jitsu thing a try. I was hooked instantly." Source: Apryl Eppinger
Nagtuturo si Ms Eppinger ng klase kada-Sabado para lamang sa mga kababaihan; at ayon sa kanya, natutuwa siya na dumarami na ang mga babaeng sumali sa Jiu-Jitsu sa Pilipinas at Australya nitong mga nakaraang taon.
Hinihimok ni Apryl ang mga babae at mga bata na subukan ang isport; at aniya, matuto silang mas magtiwala sa kanilang mga sarili dahil dito. Naiimpluwensyahan din ng tiwalang ito ang ibang aspeto ng kanilang mga buhay.

Apryl says that the number of women doing jiu-jitsu in the Philippines and Australia has increased in recent years. Source: Apryl Eppinger
"[It makes] you feel like you can problem-solve your way out of anything. If you can solve this problem here, it can help you in everyday life," sabi niya.
Stratehiya kaysa laki
Para kay Apryl, ang pagiging bahagi ng komunidad ng jiu-jitsu ay pagkakaroon ng pangalawang pamilya na may miyembro mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ayon sa kanya, itinataguyod ng isport ang pagkakaisa at respeto. Upang maging matagumpay sa jiu-jitsu, kinakailangang talikuran mo ang kayabangan at pagiging makasarili. Sa bagay, aniya, "You need people to train with. You can't train by yourself. Otherwise it would look kind of funny - someone rolling around on the floor by themselves."
At kapag magkaroon ka na ng oportunidad na lumaban, ang isang kagandahan ng isport ay kapag babae ka, hindi gaano kahalaga ang laki o lakas mo. Mas mahalaga ang stratehiya mo.
“No matter what body type you are, you can learn the techniques that best suit your body type. [Jiu-jitsu is not a sport] that you need to have power [or] speed. [It] has different styles that can suit different body types and strength,” aniya, habang binabahagi na isang pinakamaliit na miyembro ng Philippine team ay si Meggie Ochoa, isang three-time world champion.

“No matter what body type you are, you can learn the techniques that best suit your body type." Source: Apryl Eppinger
“Fight to Protect”
Maliban sa pagiging bahagi ng isang koponan, sumali na rin si Apryl sa adhikain ni Meggie na Fight to Protect. Ito ay isang grupo na nakatuon sa pangangalaga, pag-rehabilitate at pag-empower sa mga batang biktima ng sekswal na pang-aabuso sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng jiu-jitsu. Ang adhikain na ito ay itinaguyod mula sa suporta ng Safe Haven for Kids.
"The kids are amazing. They're so cute and cheeky," saad niya, "Just to see them smile...They're my heroes just because they're so strong. They keep coming back...Whatever they're dealing with, they just keep trying to be better."
Habang hindi masosolusyunan ng Jiu-Jitsu ang lahat ng pinagdaanan ng mga bata, saad ni Apryl na malaki na ang pagbabago sa mga bata. Dahil sa Jiu-Jitsu, nabawasan ang pakiramdam nila ng pagiging helpless, mas naramdaman nila ang pagtitiwala sa sarili at sa iba.
At sa huli, ito ang Jiu-Jitsu. Hindi ito naka-base lamang sa laki, lakas at bilis. Hindi ito tungkol sa lakas at bilis ng suntok. Ito ay tungkol sa pagtitiwala sa sarili, at sa stratehiya. Tungkol ito sa pagkakaisa at respeto. Tungkol ito sa paghahanap ng paraan kung papaano gagana at tatakbo ang sarili mong katawan - maging maliit ka man o matangkad, bata ka man o matanda, lalaki ka man o babae.

Apryl Eppinger supports and promotes her friend Meggie Ochoa's advocacy, Fight to Protect. Source: Apryl Eppinger

The Jiu-Jitsu Philippine National Team Source: Jiu-Jitsu Federation of the Philippines
BASAHIN / PAKINGGAN DIN





