Dahil sa pandemya, kanselado ang lahat ng magarbong aktibidad ng sinulog 2021 gaya nalamang ng mga street dance at Sinulog Grand Parade.
Kaya naman ang mga organisers, napilitang i-ere sa social media ang mga religious activities.
Highlights
- Selebrasyon ng Sinulog 2021, idinaan sa social media
- Kalibo airport, isinailalim sa tatlong araw na lockdown
- Environmental fee sa Boracay, nakatakdang tumaas ngayong Pebrero
Ipinagbawal rin ng lokal na gobyerno simula noong January 12 ang personal na pagdalo ng novena masses sa Basilica Del Santo Nino, kaya ang mga deboto, sa live streaming naka-antabay.
Pero noong Linggo, marami ang dumalo ng misa sa pilgrim center ng basilica pero agad naman itong nakontrol ng otoridad.
Nagpapasalamat naman si Cebu City Mayor Edgardo Labella dahil karamihan sa mga Cebuano ay sumunod sa health protocols.
At dahil walang grand parade at ritual showdown, inere ng Sinulog Foundation Incorporated ang sampung oras na virtual program kung saan ipinakita ang mga performances ng lahat ng contigents ng sinulog sa loob ng apatnapung taon.
Singil sa environmental fees, tataas ngayong Pebrero
Bad news naman sa mga turistang bibisita sa Boracay island. Simula kasi sa Pebrero ay itataas na ang Environmental fee sa isla-ito'y matapos maipasa ang municipal ordinance 431.
Para sa mga Non-Aklanons tourists, Php150 na ang environmental fee na dati'y Php75 lang. Php 300 naman ang singil para sa mga foreign tourists.
Kailangan na ring magbayad ng Php100 terminal fee ang mga turista sa Caticlan port-ang main jump off point papuntang Boracay island.
Nakasaad rin sa bagong ordinansa na hindi na kailangang magbayad ng environmental fee ng mga returning Aklanons.
Huling itinaas ang environmental fee noon pang taon 2005.
Central Visayas naka-heigtened alert status
Samantala, naka-heightened alert status ang buong Central Visayas dahil sa banta ng African Swine Fever.
Nitong nakaraang linggo kasi ay may kumpirmadong kaso na ng asf sa eastern visayas region.
Nakiusap si Department of Agriculture Region 7 Director Salvador Diputado sa publiko na makipagtulungan sa kanila upang maiwasang makapasok ang asf sa kanilang area. Agad rin daw ireport sa d-a sakaling may magkaroon ng sakit ang mga alagang baboy.
Nag abiso rin ang otoridad na iwasan ang pagbili ng mga processed foods.



