Sa huling bahagi ng ulat na ito, ibinahagi ni Bernadette Romulo ang paghihikahos sa katotohanan na nahaharap siya sa maaaring pagkahiwalay habangbuhay sa kanyang walong taong gulang na anak. Larawan: Greens Senator Andrew Bartlett
Umapela si Senador Andrew Bartlett ng Partido Greens sa Ministro ng Imigrasyon Peter Dutton na pakinggan ang apela ng pamilya ni Bernadette na manatili rito sa Australya para alagaan ang batang anak na lalaki ni Bernadette.
Si Bernadette Romulo ay isang temporary resident ng Australia at ina ng tatlong bata. Siya ay nasa panganib na mapapa-alis pabalik sa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak ngayong Mayo.
Share





