Ayon sa Australian Bureau of Statistics, ang edukasyon ang pangatlong pinakamalaking industriyang iniluluwas, na kung saan ang mga estudyante mula sa ibang bansa ay nagbibigay ng labing siyam na bilyong dolyar, sa ekonomiya ng bansa noong nakaraang taon.
Ang Australya ay kilala sa kanyang magandang kondisyon ng bisa, na pumapayag sa mga estudyanteng banyagan na magtrabaho habang sila ay nag-aaral.
Subali't ang nakaraang iskandalo sa tunay na kalagayan sa trabaho, ay nagbunyag sa pagka-bulnerable ng mga estudyante.