Ang pagmamaneho sa Australya ay nakakatakot. Kung ikaw ay isang bagong migrante na planong magmaneho, maaaring dapat konsiderahin ang pagkuha ng propesyonal na instruktor para sa iyong kaligtasan at benepisyo.
Isang professional driving instructor si Rodel Espiritu na naka-base sa Sydney.
Mahigpit niyang iminungkahi na dapat konsiderahin ng mga first-time drivers sa Australya o kahit ng mga nagmamaneho na sa Pilipinas na mga bagong migrante ang pag-enroll sa mga lehitimong paaralan ng pagmamaneho upang malinaw na mainitndihan kung paano ang tamang pagmamaneho sa Australya.
Sa panayam, ipinaliwanag ni Rodel ang kahalagahan ng pagkuha ng professional instructor at kinumpara ang kaibahan ng pagmamaneho sa Australya at Pilipinas.





