Highlights
- Ang Victorian Sick Pay Guarantee scheme ay kauna-unahan sa Australia.
- Kabilang sa unang bahagi ng plano ang mga mangggawa sa hospitality, food trades at food preparation, supermarket, retail at sales, aged and disability care, cleaners, laundry workers at security guards.
- Maaring magparehistro sa website ng Services Victoria upang malaman kung ikaw ay eligible.
Mahirap para kay Jurgen Molina, casual worker sa isang aged at disability care centre sa Melbourne ang magkasakit at umabsent sa trabaho dahil ibig sabihin nito, ay wala siyang sasahurin.
Kaya natuwa sya nang marinig ang balita na magkakaroon na ng benepisyong bayad na sick leave ang mga katulad niyang nasa casual contract pero tanong ng mga tulad ni Jurgen, paano ito ipatutupad at sakop ba sya ng nasabing benepisyo.
Pakinggan audio: