Sinigang, lechon manok, at adobo patok sa panlasa ng mga taga Perth

food business ng Filipino - Aussie couple patok sa mga Australians

food business ng Filipino - Aussie couple patok sa mga Australians Source: Hazel Salas

Simpleng mga pagkaing Pilipino kung maitutring ang sinigang, lechon manok, at adobo ngunit patok ito sa panlasa ng mga taga Perth, mapa-Pinoy o ibang lahi.


Highlights
  • Food business ng Filipino - Aussie couple sa Perth, patok sa mga Australyano
  • Hangad nila na patuloy na ipakilala ang Filipino food sa Western Australia
  • Malaki ang potensyal ng Filipino food sa Australia
Para kay Ryan at Aiza Briggs ang tatlong putahe na ito ay ang naging susi upang mapalago ang kanilang food business.

Nagsimula sa maliit ang food business ni Ryan na isang half Aussie half polish at ang asawa nitong si Aiza na isa namang Pilipino.

Napagpasyahan umano nilang simulan ang negosyo sa pagsali sa mga local food festival sa Perth at habang tumatagal ay unti-unti na silang nakikilala dahil sa mga patok na pagkaing Pilipino.


 

food business ng Filipino - Aussie couple sa Perth patok
food business ng Filipino - Aussie couple sa Perth patok Source: Hazel Salas
Maganda rin umano ang natatanggap nilang komento at papuri maging sa mga first time customers. At dahil sa tinatamasa nitong tagumpay, nakikita nila na malaki ang potensyal ng pagkaing pinoy dito sa Australia.
Ryan at Aiza Briggs
Ryan at Aiza Briggs Source: Hazel Salas
Isang malaking karangalan din umano sa mag-asawang Briggs na nagiging daan ito upang maipakilala ang mga pagkaing Pilipino sa mga Australian lalo na sa mga kabataang Pinoy na dito na lumaki.

Sa kasalukuyan, hangad nila na patuloy na ipakilala ang Filipino food sa Western Australia. Mula sa maliit na puwesto ay magbubukas na sila ng isang Filipino restaurant sa darating Hunyo.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand