Sister Patricia Fox nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok niya sa Pilipinas

Australian Catholic nun Sister Patricia Fox prays during a mass, at the Baclaran Church, Wednesday, May 2, 2018.

Australian Catholic nun Sister Patricia Fox prays during a mass, at the Baclaran Church, Wednesday, May 2, 2018. Source: AAP

Patuloy si Sr Patricia Fox sa kanyang pakikipaglaban na huwag mapaalis sa Pilipinas.


Inamin ni Sr Pat na ang paghihintay ng desisyon mula sa Bureau of Immigration (BI) ay naging mahirap para sa kanya.

"It's very unsettling because you know how you sort of [really] hoping for the best, a part of you is saying what’s gonna happen so it is quite unsettling,” sinabi ni Sr Pat sa SBS Filipino.

Bahagyang inaasahan na ng Australyanang madre ang pagtanggi ng BI sa kanyang ‘motion for reconsideration’ ngunit siya pa rin ay umaasa na ito ay magbabago.

Matapos ang pagtanggi ng BI, nagsumite si Sr Pat at ang kanyang ‘legal counsel’ ng isang petisyon sa Department of Justice (DOJ) noong nakaraang Biyernes, ika-25 ng Mayo.

Ilang oras matapos matanggap ng DOJ ang petisyon, inilabas ng sekretarya ng DOJ, Menardo Guevarra ang isang kautusan o ‘order’ na pinapahaba pa ang pananatili ni Sr Pat sa Pilipinas hanggang ika-18 ng Hunyo.

Ayon kay Sr Pat, ang DOJ ay binigyan ang BI ng sampung araw upang sagutin ang petisyon at sila ay makakakuha ng limang araw para sumagot sa BI. Matapos nito, ang DOJ ay magdedesisyon.

“If it all goes to law, it’s how it should go basically,” sinabi ni Sr Pat sa SBS Filipino hinggil sa kanyang posisyon sa inilabas na kautusan ng DOJ.

Nakita ni Sr Pat at ng kanyang mga ‘legal counsel’ ang kahalagahan ng paggamit ng naaangkop na legal na aksyon para hamunin ang kanselasyon ng kanyang ‘missionary visa’.

Nanatiling matibay ang paglaban ng Australyanang madre sa kanyang pananatili sa Pilipinas. Kanya itong sinang-ayunan dahil siya ay nanirahan sa bansa ng napakahabang panahon at ang basehan kung bakit siya pinapatapon ay maaaring maulit muli sa mga [banyagang] misyonaryo at sa mga taong nakikiisang matulungan ang mga mahihirap.

“The way it was done that I was just to be deported with no say and then the grounds that they’ve come out with: [Number 1] they challenged the role of what a missionary should be and where they should be, [number 2] their challenging the role of any solidarity person or anyone who comes here to be in solidarity with those who are struggling - could be deported [you know] without any due process, so it’s partly for myself and it’s partly also because it would set a very dangerous precedent.”

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Sister Patricia Fox nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok niya sa Pilipinas | SBS Filipino