Highlights
- Nilinaw ni health minister Roger Cook noong ika-13 ng Enero na ang COVID- 19 vaccine ay hindi magiging compulsory kundi isang prerequisite para sa mga taong nasa high risk areas
- Inaasahan na makakatanggap ng isang milyon doses ng Pfizer vaccine ang Western Australia sa darating na Pebrero
- Magiging prayoridad ng WA ang mga manggagawa na frontliners tulad sa hospital, hotel quarantine locations, at mga paliparan
Papatawan ng multa ang sino mang tatanggi na tumanggap ng COVID-19 vaccine. Ito ay ayon sa inilabas na pahayag ng Western Australia health minister.
Ngunit nilinaw ni health minister Roger Cook noong ika-13 ng Enero na ang COVID- 19 vaccine ay hindi magiging compulsory kundi isang prerequisite para sa mga taong nasa high risk areas.
Inaasahan na makakatanggap ng isang milyon doses ng Pfizer vaccine ang Western Australia sa darating na Pebrero. Ito umano ay magiging sapat para sa limang daang libong katao na dapat ay makatanggap ng dalawang dose ng COVID-19 injection.
Ayon naman kay Gabriela na dalawang taon nang nasa larangan ng kalusugan, bago pa man ipamigay ang vaccine, dapat umanong maging malinaw sa lahat ang proseso at magiging epekto ng vaccine na ito.
Dagdag pa nito na payag siyang makatanggap ng bakuna.
"Payag siyempre pandemic and gusto na nating bumalik sa normal ang ating buhay."
Sa kabuohan, ang Australia ay naka secure ng sampung milyong doses ng vaccine. Sampung porsyento naman dito ay mapupunta sa WA kung saan magiging prayoridad sa vaccine ang mga manggagawa na frontliners tulad sa hospital, hotel quarantine locations, at mga paliparan.



