'Sound of Christmas from Asia Pacific': Ipinagdiriwang ang iba't ibang kultura ng Australia

Sound of Christmas from Asia Pacific

'Sound of Christmas from Asia Pacific' features eight popular Christmas songs in different languages. Source: Supplied by Kevin Bathman

Hangad na ipagdiwang ang iba't ibang kultura sa Australia, nabuo ang "Sound of Christmas from Asia Pacific" album - pinagsama sa unang pagkakataon ang mga awiting pamasko na inawit sa magkakaibang wika.


Tinawag na "unang multilingual at intercultural Christmas song album" na nabuo sa Sydney, ang proyektong ito ay nais na magbigay ng saya sa lahat lalo na sa mga tao na nakakaramdam ng lungkot at malayo sa kanilang mga pamilya at komunidad.

"Through this Christmas album, we want to reach out to those people who are feeling lonely and we wanted to get a range of diversity to re-sing some Christmas classic songs in their language," ani Kevin Bathman, co-producer ng Sound of Christmas from Asia Pacific.

 

 


 

Highlight

  • Nabuo sa gitna ng mga lockdown sa Sydney, tampok sa Sound of Christmas from Asia Pacific ang walong paboritong awiting pamasko.
  • Sa unang pagkakataon, mapapakinggan sa iisang album ang mga sikat na awiting pamasko sa wikang Filipino, Fijian, Indonesian, Japanese, Mandarin, Samoan, Tamil at Tongan
  • Sa tulong ng City of Sydney, binuo ng mga co-producers na sina Kevin Bathman at Benjamin Oh ang 'intercultural album' na ito.

Pakinggan ang podcast

'Sound of Christmas from Asia Pacific'

Sa unang pagkakataon, mapapakinggan sa iisang album ang ilan sa mga sikat na awiting Pamasko na isinalin ar kinanta sa iba't ibang wika.

Tampok sa Sound of Christmas from Asia Pacific ang mga awiting 'O Holy Night' sa wikang Samoan, ang 'What Child is This' na isinalin at inawit sa wikang Filipino; ang 'O Come All Ye Faithful ay mapapakinggan sa wikang Fijian, ang 'It came upon the midnight clear' ay sa wikang Indonesian, ang sikat na 'Silent Night' ay maririnig sa wikang Tamil, ang 'Hark! The herald the angels sing sa wikang Japanese, ang 'The first Noel' sa wikang Tongan at ang 'Auld lang syne' sa wikang Mandarin.
Sound of Christmas
(Top, L-R) Jinky Marsh sings 'Anong Bata Ito' ('What Child is This' in Filipino); Ruci Tuiwai ('O Come All Ye Faithful in Fijian); Peter Lazaro ('It Came Upon The Midnight Clear' in Indonesian); Kumi Matsuda ('Hark! The Herald The Angels Sing' in Japanese); (bottom, L-R) Cynthia Su ('Auld Lang Syne' in Mandarin); Kiarateuilla Lattimore ('O Holy Night' in Samoan; Radhika Sukumar ('Silent Night' in Tamil); Loma Schaaf ('The First Noel' in Tongan) Source: Sound of Christmas from Asia Pacific
"The reason why we call this as an intercultural album because everyone in the team – from the vocalist, to the musicians, sound engineer, illustrator and even the producers were from various cultural background as well," lahad ni Malaysian co-producer.

Tinawag din ng mga producer ang Christmas album na ito bilang "multilingual and intercultural album dahil sa lahat ng kasama sa bumuo nito ay may pinagmulang iba't ibang kultura.

"The reason why we call this as an intercultural album because everyone in the team – from the vocalist, to the musicians, sound engineer, illustrator and even the producers were from various cultural background as well," dagdag ni Kevin.
Sound of Christmas from Asia Pacific
Album cover illustrator Freda Chiu (centre) and musicians, Jeremy Koay (left) and Grace Song (right). Source: Supplied by Kevin Bathman
Makabuluhang Pasko

Naisakatuparan ang 'Sound of Christmas from Asia Pacific' sa tulong ng City of Sydney at nabuo ito sa gitna ng mahigpit na mga lockdown sa Sydney noong Hunyo.

“When Benjamin Oh and I, who’s also the co-producer for this album, were having a chat about six months about we spoke about how there’s  a lack of multilingual projects. So we put in an grant application to the City of Sydney’s Matching Grant program,” pagbabahagi ng co-producer na si Kevin Bathman.

"We feel that Christmas has now really taken a religious but also secular event end-of- the-year celebration and I think many people actually use this time to reflect and also celebrate their loved-ones and their community."

"Christmas can also be quite a difficult and lonely time for many people especially if they are marginalised or they are separated from their loved ones or community."
Sound of Christmas from Asia Pacific
Producers Kevin Bathman (left) and Benjamin Oh: 'We feel that Christmas has now really taken a religious but also circular event end-of- the-year celebration and I think many people actually use this time to reflect and also celebrate their loved-ones and their community.' Source: Supplied by Kevin Bathman
“We decided to pursue this musical project and release it closer to Christmas. But lockdowns happened from June to October. We feel that this project has a lot of challenges in a sense that we were recording the music and engaging with everyone while everyone was at home and in lockdown.”

Ang Matching Grant program ng  City of Sydney ay hangad na pasiglahin ang mga organisasyon at komunidad sa Sydney na magsagawa ng mga proyekto na makakapagpatibay ng relasyon ng iba't ibang komunidad.

Basahin din/Pakinggan



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand