Ang proyekto ay magbibigay ng plataporma o boses para sa mga may kapansanan at magbahagi ng kani-kanilang mga karanasan at mga praktikal na payo kung papaano mamuhay ng matiwasay sa kabila ng kapansanan.
Highlights
- Programang 'Speak my language' inilunsad
- Ang Multicultural Communities Council of South Australia ay naghahanap din ng mga bilingual na mga facilitator para sa nasabing proyekto
- Inaanyayahan ang mga miyembro ng komunidad na maning bahagi ng programa bilang speaker o storyteller
Ang nilalaman ay maisasalin sa dalawampu’t limang (25) wika at maipapamahagi sa madla sa pamamagitan ng libreng download ng mga isasagawang panayam, mga pagpapasahimpapawid sa radio at video sa Youtube.
Ang proyektong ay pinopondohan ng Commonwealth Department of Social Services at isinasakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtambalan ng mga organisasyong Ethnic and Multicultural Communities Council sa buong Australia.




