Para sa isang nag-iisang anak na tulad ni Jared Lesaca, pipiliin niyang ipagdiwang ang bawat Pasko sa Pilipinas kung saan ang karamihan sa kanyang pamilya at kamag-anak ay naroroon.
"It's very, very different to Australia. It's so energetic and more passionate (with Christmas) in the Philippines. Here (Australia) it’s just like you put up Christmas tree, put up some lights and boom, that’s the Christmas spirit,” masiglang pagbabahagi ni Jared.
Sa kanyang ika-apat na Pasko sa Pilipinas ngayong taon, idinagdag ng 14-taong gulang na nakikilalang mang-aawit na “there (in the Philippines), there’s lanterns everywhere, everyone’s smiling, laughing, playing Christmas songs, every corner you go to, every tindahan (store) is just filled with Christmas spirit.

The young Jared poses infront of their Christmas at their home in Sydney in 2015 Source: Edwin Lesaca
Labis na espesyal ang kapaskuhan sa taong ito para sa buong pamilya ng batang mang-aawit dahil ngayong taon ay ika-50 taong anibersaryo ng kasal ng kanyang mga lolo at lola.

Jared (3rd from left) with his family and few relatives dressed in Igorot costumes during one of his trip to the Philippines to visit family and relatives Source: Edwin Lesaca