Staxey Kelly Cañedo: nalalapit na bituin ng pop

Supplied by Staxey Kelly Cañedo

Source: Supplied by Staxey Kelly Cañedo

Ang 12 taong gulang na si Staxey ay ehemplo ng isang nalalapit na pop star. Sa maagang edad na 7, pinasigla ng musika ang kanyang diwa. Ang pasyon niya ay nagbukas ng mga oportunidad para sa kanya sa Australya kung saan siya ngayon ay isa sa mga hinahanap na batang mang-aawit ng komunidad Pilipino sa Melbourne.


Nadiskubre ni Staxey Kelly Cañedo ang pagkahilig sa sining ng pagganap ng siya ay 7 taong gulang. Naalala niya ang una niyang pagkanta noong sila ay may pagtitipon sa bahay."May party kami tas pinakanta ako ng mama ko."

Naging di-malimutang taon ang 2017 para sa 12 taong gulang na Dabawenya nang siya ay naging isa sa isang daang kumatawan sa Pilipinas para sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) na naganap sa Los Angeles, California kung saan siya ay nag-uwi ng 2 bronseng medalya. "It was nerve-wracking because there were a lot of contestants so yeah they were really good singers."
Supplied by Staxey Kelly Cañedo
Source: Supplied by Staxey Kelly Cañedo
Kadalasan ay ginugugol niya ang kanyang oras sa pag-aaral, aktibong pagkanta sa mga kaganapang Pilipino sa Melbourne at pagkuha ng voice classes sa Jaanz international singing academy Australia kung saan siya ngayon ay isang skolar. Naalala niya na ang pagtanggap ng iskolarship ay isang bagay na hindi niya naisip. "I started taking music lessons there a few months ago then they saw me singing in like one of the open mic shows then yeah they made me a scholar."

Nagsisikap siya ngayong makamit ang kanyang pangarap na maging pop singer." I'm gonna be singing in TV shows in Australia and I also want to be on ASAP."

Hinihikayat din niya ang mga kabataang tulad niya na huwag bumitiw sa mga nais abutin sa buhay. "Follow your dreams if you're happy with what you're doing, then do it."

Sa ngayon, ang batang mang-aawit ay nakakita ng libangan sa paggawa ng mga video sa YouTube kung saan siya ay kumakanta. Naniniwala siyang sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang talento ay magbibigay ito ng inspirasyon sa kanyang henerasyon na mahalin ang musika.

Tingnan ang mga YouTube video ni Staxey sa ibaba:

Maaga nga nagsimula si Staxey.



Sa video, kinanta ni Staxey at Ella ang kantang 'tight rope' ni Michelle Williams. Napaka-cute! Nakakatunaw ng puso!
Talagang alam ni Staxey paano maghanap ng 'real friends' sa video na ito!
SUNDAN ANG SBS FILIPINO SA FACEBOOK.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand