Higit sa kasiyahan at mabawasan ang pagkabalisa, ang taunang Palarong Pinoy ay naglalayong lumikha ng lugar para sa lumalaking komunidad ng mga Pilipinong mag-aaral sa loob ng mga unibersidad sa New South Wales.
Mga tradisyunal na gawain at larong Pilipino kasama ang Patintero (bersyon ng Bullrush), Tumbang Preso (pagpapatumba sa lata) at marami pa iba ay magdadala ng isang araw na puno ng kasiyahan sa kaganapan na gagawin sa Macquarie University Lake ngayong Sabado ika-28 ng Setyembre.

Ibinihagi ng pangulo ng Filipino Student Council of NSW (The NewFil Council) Luke Wicent Sy at pangulo ng Filipino Society of Macquarie University Luis Israel IV ang mga detalye at kung paanong ang katulad na kaganapan ay lalong nagpapatibay ng pagkakaibigan ng mga estudyante.




