Tagumpay sa Australia: Philippine PLDT Women's Volleyball Team nanalo sa lahat ng kanilang apat na laro

Philippine PLDT Women's Volleyball team

The Philippine PLDT Women's Volleyball team (in white and red jerseys) with the Volleyball WA Steel women team Source: Volleyball Western Australia

Nakabalik na sila sa Manila ngayon, ngunit napatunay ng koponan ng Philippine PLDT Women's Volleyball ang kanilang lakas laban sa ilang mga koponan ng volleyball sa Australya matapos ang kanilang matagumpay na anim na araw na paglilibot sa Western Australia, noong unang linggo ng Hunyo.


Labindalawang manlalaro ng Philippine PLDT Women's volleyball team at kanilang coach ay dumating sa Perth pagkatapos ng kanilang laro sa Singapore.

 

Pagkatapos ng panalo sa tatlong magkakasunod na laro laban sa ilan sa mga nangunguna sa WAVL State League women's ng WA - Reds Volleyball Club sa Belmont, Northern Stars Volleyball Club sa Warwick, at Rossmoyne Volleyball Club sa Mandurah, hinarap ng Philippine team at dinaig ang pangunahing koponan ng WA, ang WA Steel Women. Nanalo sila ng 3 sa limang laro, 25 - 19; 25 - 18 at 25 - 21. 

 

At sa isang kapana-panabik na magiliw na laro sa Sydney, ibinigay ng mga kababaihang manlalarong Pilipino ang kanilang pinakamahusay na pagpalo ng bola laban sa koponan ng Sydney Acers Mens Volleyball bago lumipad pabalik ng Maynila.

 

Ang ibang detalye ibinahagi ng coach ng koponan na si Roger Gorayeb at ng nag-ayos ng kaganapan na si Marino Salinas.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Tagumpay sa Australia: Philippine PLDT Women's Volleyball Team nanalo sa lahat ng kanilang apat na laro | SBS Filipino