Nang si Sue Ismiel ay dumating sa Australya mula Syria, sa edad na labing limang taon, binugbog siya ng ilang babae habang nakasakay ng bus, sa kanyang unang linggo sa eskwela. Larawan: Mula sa pagiging migrante, naging milyonaryo si Sue Ismiel (SBS)
Pagkalipas ng apatnapu't isang taon, siya ngayon ang namamahala ng isang negosyo sa kagandahan, na nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar.
Nagtungo siya sa Australya upang humanap ng mas magandang buhay, subali't sa mga unang taon ng kanyang pagtira sa bansa, hindi niya naisip kung gaano kasama ang buhay sa kanyang sinilangang Syria.
Sa ating seryeng First Day, sinundan namin ang ilang migrante at repugi, na nagbigay ng pagkakaiba sa komunidad, simula ng kanilang unang araw sa bansa.
Share




